Hirit na pag-alis sa 14-day quarantine para sa mga fully vaccinated na papasok sa bansa, kailangang pag-aralang mabuti

Binigyang diin ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na kailangang pag-aralang mabuti ang hirit na alisin ang 14-day quarantine para sa mga papasok sa bansa na kumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Secretary Berna na kailangan munang mahanapan ng paraan kung paano matitiyak kung totoo at hindi ang ipiprisintang dokumento ng byahero na sila ay fully vaccinated na.

Diin pa ni Secretary Puyat, mahalaga ring ikonsulta sa health experts ang impormasyon na kahit fully vaccinated ay maaari pa ring maging carrier ng COVID-19.


Sinabi ito ni Secretary Puyat sa kanyang pagharap sa forum ng Manila Oveseas Press Club na layuning mabigyan ng impormasyon ang publiko hinggil sa mga hakbang para sa industriya ng turismo na isa sa mga makakatulong sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Facebook Comments