Hirit ng OSG na ipalabas ang SALN ni Justice Marvic Leonen, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura unanimously ng Supeme Court ang motion for reconsideration ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng hirit nitong pagpapalabas sa Statement of Assets,  Liabilities and Net Worth o SALN ni Associate Justice Marvic Leonen.

Kaugnay ito ng paghahanda sana ng OSG sa posibleng paghahain ng quo warranto case laban kay Leonen.

Samantala, sa En Banc Session din ng mga mahistrado kanina, nagkasundo sila na itakda sa November 26, 2020 ang Preliminary Conference para sa mga petisyon kontra Anti-Terrorism Act.


Gayunman, wala pang itinakdang petsa para sa pagdaraos ng oral arguments.

Ang ikatlo namang desisyon na pinalabas ng Supreme Court En Banc sa kanilang session kanina ay ang pagtanggap sa early retirement ni Justice Priscilla Padilla dahil sa physical disability.

Facebook Comments