HIV TESTING AT SYMPOSIUM SA ALAMINOS CITY, ISINAGAWA

Nagsagawa ng HIV Testing at Symposium tungkol sa Human Immunodeficiency Virus o HIV Aids at Sexually Transmitted Infection o STI ang lokal na pamahalaan ng Alaminos para sa mga residente nito, kamakailan.
Nilalayon ng nasabing aktibidad na mabigyan ang mamamayan ng Alaminos ng mas marami pang kaalaman at mapigilan ang mas tumataas pang kaso ng AIDS at HIV Disease sa bansa ayon sa Department of Health o DOH.
Nabigyang katuparan ang pagsasagawa ng Testing at Symposium sa pamamagitan ng City Health Office at ng pakikiisa ng Pamahalaang Lokal ng Alaminos City sa International AIDS Candlelight Memorial na may temang “Spread Love and Solidarity to Build Stronger Communities” na may layuning maipaalam ang mga nararanasang stigma at diskriminasyon ng mga taong mayroong HIV. |ifmnews

Facebook Comments