HOLIDAY | Number coding suspendido sa Nov. 1 at 2

37

Suspendido ang number coding sa November 1 at 2 na kapwa deklaradong special non-working holidays para sa paggunita ng Undas.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, nagsimula na rin ang paghahanda ng MMDA para matiyak ang maayos na daloy ng traffic sa Metro Manila sa Undas.

Inaasahan kasing dadagsain ang mga sementeryo ng mga bibista sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Wala pa namang abiso ang Makati City at Las Piñas City kung magpapatupad din sila ng suspensyon ng number coding para sa nasabing petsa.

Facebook Comments