HOLIDAY | Pay rules ngayong Feast of Immaculate Conception, ipinaalala

63

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na may additional pay ang mga manggagawang papasok ngayong araw, December 08.

Idineklarang special non-working holiday ngayong bilang pagdiriwang sa Feast of Immaculate Conception.

Ang mga empleyadong papasok ngayong araw ay may dagdag na 30% sa kanilang daily rate sa unang walong oras sa trabaho.

Sakaling tumapat ng day-off pero pumasok ang empleyado ay makatatanggap ito ng 50% sa kanilang daily rate sa unang walong oras.

Kapag lumagpas sa walong oras, may dagdag pang 30% rate kada oras.

Dagdag pa ng DOLE, umiiral pa rin ang ‘no work, no pay’ policy kahit special non-working holiday.

Facebook Comments