“HOLIDAY TRUCE” | NPA, magdedeklara ng tigil putukan ngayong Kapaskuhan

125

Manila, Philippines – Nakatakdang magdeklara ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (NPA) sa panahon ng Kapaskuhan.

Kinumpirma mismo ito ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison.

Ayon kay Sison, mahalagang magkaroon ng “holiday truce” o pahinga sa labanan para mabigyan ng pagkakataon ang mga gerilya at kanilang pamilya na makapagdiwang ng Pasko.

Kasabay nito, pinaghahandaan din kasi ng CPP-NPA ang ika-limampung anibersaryo nito sa December 26.

Gayunman, aminado si Sison na nakasalalay pa rin sa liderato ng NPA na nakabase sa Pilipinas ang deklarasyon ng ceasefire.

Facebook Comments