HOLOCAUST | Hitler, inilarawang devil on earth ni Israel Pres. Rivlin

39

Israel – Tinawag na devil on earth ni Israel President Reuven Rivlin ang German Nazi leader na si Adolf Hitler na siyang nagpapatay sa 6 na milyong Hudyo o Jew na tinawag na panahon ng Holocaust.

Sa pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Israel ay nagpasalamat ito sa malasakit ng Pilipinas matapos tanggapin ang mga Jew na naghahanap ng mapagtataguan mula sa mga tumutugis sa kanila sa Europa.

Sinabi ni Rivlin na hindi lang ang mga Jew ang nagpapasalamat sa Pilipinas kundi ang buong mundo dahil sa pagkupkop sa mga nangangailangan.

Sinabi nito na sana ay naramdaman ni Pangulong Duterte ang bigat ng damdamin ng mga Jew noong panahon ng Holocaust nang bisitahin nito ang Yad Vashem Holocaust Memorial Center kung saan ipinakikita ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng mga na hindi dapat kalimutan pero dapat kapulutan ng aral.

Matibay din aniya ang relasyon ng Pilipinas at Israel at iisa din ang hangarin na protektahan ang mamamayan ng dalawang bansa mula sa fundamentalism at sa terorismo kung saan tiniyak nito na handa silang tumulong sa Pilipinas.

Marami na aniyang pinagdaanang pagsubok ang Israel para protektahan ang kanilang mamamayan at handa aniya silang tumulong sa mga bansa na ginagawa ang lahat para maprotektahan ang kanilang mamamayan mula sa mga banta sa seguridad.

Facebook Comments