
Magdaraos ng Holy Hour bukas sa Manila Cathedral para ipanalangin ang agarang paggaling ni Pope Francis.
Sa inilabas na circular ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, iniimbitahan niya ang mga mananampalatayang Katoliko na makiisa sa Holy Hour bukas ng alas-5 ng hapon.
Patuloy naman na hinihikayat ng Arsobispo ang mga parokya at komunidad sa Archdiocese of Manila na isama sa mga intensiyon sa Misa, Holy Hour at iba pang community prayers ang kalusugan ng Santo Papa.
Si Pope Francis ay na-diagnose ng double pneumonia pero ayon sa Vatican ay stable na ang kondisyon nito ngayon.
Facebook Comments