HOLY WEEK BREAK | Mga biyahero palabas ng Metro Manila, dagsa na sa SLEX

26

Manila, Philippines – Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko palabas ng Metro Manila partikular sa South Luzon Expressway.

Ayon kay Tony Reyes, tagapagsalita ng SLEX, bukod kasi sa mga regular na umuuwi sa Laguna, Cavite at Batangas ay mas dadami pa ito dahil sa pagsabay ng mga bakasyunista.

Kasunod nito, tiniyak ni Reyes na bukas ang lahat ng toll booth sa SLEX nang sa gayon ay hindi humaba ng husto ang pila ng mga sasakyan.

May mga ambulant teller ding nakakalat bago ang toll gate na layuning mapabilis ang pagbabayad ng toll fee ng mga motorista

Saka sakaling magka emergency maaari aniyang tumawag sa mga numerong ‎09178677539 o ‎0495087539 para sa agarang assistance.

Facebook Comments