HOLY WEEK BREAK | Pasok sa gobyerno bukas (March 28), half day na lang – Malacanang

86

Manila, Philippines – Inanunsiyo na ng Palasyo ng Malacanang na halfday na ang pasok sa lahat ng Government offices, Government Owned and Controlled Corporations, Public Schools, State Universities and Colleges, at Local Government Units sa buong bansa.

Sa memorandum circular number 43 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ay sinasabi nito na ang desisyon na half day bukas sa mga nabanggit na government agencies ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga government workers na makapaghanda para sa Holy Thursday at Good Friday.

Pero hindi naman kasama sa mga maaaring mag half day ang mga tanggapan ng gobyerno na may kaugnayan sa Law Enforcement At Disaster Response.

Ipinaubaya na rin naman ng Malacanang sa pribadong sektor ang desisyon kung gagayahin ang anunsiyo ng gobyerno.

Facebook Comments