Homecoming parade ni Catriona Gray, kasado na ngayong araw

58

Manile, Philippines – All set na ang homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong araw.

Mag-uumpisa ang parada sa Sofitel Philippine Plaza Manila bandang alas-2 ng hapon at uusad patungong Pasay, Manila at Makati.

Dahil dito, magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng “stop and go” scheme sa mga kalsadang dadaanan ng parada.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang sumusunod: • J.W. Diokno Boulevard • Dela Rama Street • Vicente Sotto Street • Roxas Boulevard • T.M. Kalaw Avenue • Taft Avenue • Buendia Avenue • Ayala Avenue

May 200 traffic enforcers na ipakakalat ang MMDA para sa homecoming parade ng beauty queen.

Magkakaroon din ng clearing operation ang MMDA laban sa mga ilegal na nakaparadang sasakyan at iba pang obstruction sa ruta ng parada.

Facebook Comments