Hong Kong leader, handang ibasura ang extradition bill pero tumangging magbitiw!

64

Nagbigay ng hudyat si Hong Kong leader Carrie Lam na ibasura ang kontrobersyal na extradition bill.

Ito ay kasunod ng pagsasagawa ng milyu-milyung demonstrador ng pinaka-bayolenteng protesta sa kanilang kasaysayan.


Sa isang pulong balitaan, muling humingi ng paumanhin si Lam at i-aatras na niya ang panukala.

Aniya, malinaw at klarong niyang naririnig ang hinaing ng tao hinggil dito.

Pero muli siyang nanindigan na hindi siya magre-resign.

Sa ilalim ng panukala, ipapadala sa mainland China ang mga akusado para doon litisin na para sa karamihan ay banta sa rule of law ng Hong Kong.

Facebook Comments

From Advertisers