Hong Kong Police, may tinutumbok ng lead sa pagkawala ng 2 Pinay OFWs sa Hong Kong — DMW

May sinusundan nang lead ang Hong Kong authorities sa pagkawala ng dalawang overseas Filipina workers (OFWs) sa Hong Kong.

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na sila ang mismo ang nagbigay ng mga impormasyon sa Hong Kong Police kaugnay ng pagkawala nina Imee Pabuaya at Aleli Tibay, na pawang mga domestic workers.

Sinabi ni Cacdac na nakapagpadala pa ng pera si Pabuaya ng kaniyang pamiya sa Pilipinas, bago inulat ng employer na missing ito.

Ayon kay Cacdac, wala ring history ng problema ang dalawang OFWs sa Hong Kong.

Tiniyak din aniya ng Hong Kong authorites na nasa Hong Kong pa rin ang dalawang Pinay.

Tumanggi naman na magbigay ng karagdagang detalye sa publiko ang kahilim hinggil sa tinutumbok na lead ng mga otoridad sa Hong Kong.

Kinumpirma naman ng kapatid ni Pabuaya na si Irene na magkarelasyon ang dalawang missing OFWs.

Facebook Comments