
Dalawang araw matapos ang 2025 National and Local Elections, sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na nagsimula nang ipamahagi ang mga honoraria ng mga gurong nagsilbi sa halalan.
Ayon kay Director John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, dapat puntahan ng mga guro ang kanilang election officer upang makuha ang honoraria.
Naglalaro sa ₱9,000 hanggang ₱12,000 ang matatanggap ng mga nagsilbi sa eleksyon makaraang aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱2,000 dagdag.
Alinsunod naman sa Election Service Reform Act, kailangan mabigay na ng poll body ang honoraria sa loob ng 15 na araw matapos ang eleksiyon.
Samantala, wala namang natanggap ang Comelec na ulat tungkol sa mga gurong nakaranas ng karahasan nitong nakalipas na halalan.