Binayaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hospital bills ng yumaong National Artist at Philippine Superstar na si Nora Aunor.

Ito ang nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) kasunod ng mga ulat na sinagot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bill ng aktres.

Ayon kay PCO Senior Undersecretary Ana Puod, bukod sa bills, nagbigay rin ng personal na pera si Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos para sa iba pang mga gastusin ni Nora Aunor sa ospital.

Gayunpaman, hindi na idinetalye ng palasyo ang eksaktong halaga ng binayaran ng pangulo o anumang dagdag na tulong na ipinaabot nito sa pamilya ni Nora Aunor.

Pumanaw ang veteran actress noong Abril 17 dahil sa acute respiratory failure sa edad na 71.

Facebook Comments