Hot News!!!: Brown Out Maghapon Ngayon at Bukas sa Camarines Sur

Magkakaroon ng malawakang Brown-Out bukas, October 26, 2017, sa ilang bayan ng Camarines Sur simula 8:30 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi. Ang impormasyong ito ay ipinaabot sa DWNX Naga ni Dir. John Paul Sta. Ana ng CASURECO 2.

Ayon kay Dir. Sta. Ana, magkakaroon ng preventive maintenance sa kahabaan ng Naga papuntang bayan ng Tinambac, Camarines Sur. Kasama na rin sa pagmantena ang pagsubok sa mga primary and secondary equipment ng mga substation nito.
Ang mga apektadong lugar ay ang mga bayan ng Canaman, Magarao, Bombon, Tinambac at Siruma, Camarines Sur.
Samantala, sa magkahalintulad na kadahilanan, brown – out din ngayong araw simula pa kaninang alas 8:30 ng umaga hanggang mamayang alas 6 ng gabi sa lahat ng mga bayang nasasakupan ng CASAURECO l – Libmanan, Cabusao, Sipocot, Lupi, Ragay, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Gainza, Camaligan at mga Barangay ng Nagkait at Salvacion sa Del Gallego, Camarines Sur.

Facebook Comments