Hotshots, tinambakan ang Dyip; NLEX, wagi kontra Aces

34

Nakuha ng Magnolia Hotshots ang kanilang back to back win matapos talunin ang Columbian Dyip sa score na 109-83 sa PBA Philippine Cup.

Nanguna sa Hotshots si Ian Sangalang na mayroong 16 points, anim na rebounds at isang block.


Nag-ambag naman si Mark Barroca ng 14 points at anim na assists at si Rome Dela Rosa na kumamada ng 12 markers at pitong boards.

Dahil sa panalo, lalo pang lumaki ang tsansa ng Magnolia na makausad sa playoffs matapos gumanda ang kanilang record sa 3-4.

Bumida ang 19 points, tatlong rebounds at tatlong assists si Rashawn Mccarthy para sa Dyip na nalaglag lalo sa 4-6 record.

Samantala, pinahiya ng NLEX Road Warriors ang Alaska Aces sa score na 91-70.

Bumida sa NLEX si Jr Quinahan na nagtala ng 14 points, pitong rebounds at tatlong steals.

Mayroon namang 14 points si Bong Galanza at 10 points kay Jansen Rios.

Hindi naging sagabal sa panalo ng NLEX ang ipinataw na ejection sa coach nilang si Yeng Guiao dahil sa pagrereklamo sa mga referees sa second quarter.

Facebook Comments

From Advertisers