Hotshots, wagi kontra NLEX; 98-88

26

Nasungkit ng Magnolia Hotshots sa PBA Commissioner’s Cup ang kauna-unahang panalo laban sa NLEX Road Warriors sa iskor na 98-88.

Nilusutan ng Magnolia ang malakas na depensa ng NLEX.


Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero, sobrang nahirapan talaga sila sa pagsisimula ng conference.

Bumida sa unang pagkapanalo sina James Farr na nagkaroon ng 24 points at 21 rebounds at habang si Ian Sangalang ay may 21 points.

Samantala, nasa NLEX Road Warriors pa rin ang kalamangan hanggang mahabol ito ng Magnolia Hotshots sa pagpasok ng third quarter.

Facebook Comments

From Advertisers