Tuesday, July 14, 2026

House Prosecution Panel, ipinaliwanag na maari lang ituring na original ang mga photocopy na dokumento kapag ito ay ipipresenta bilang ebidensya sa korte

Binigyang diin ni House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. na maituturing lang na original ang photocopy na mga dokumento kapag ito ay ipipresenta sa korte bilang ebidensya.

Paglilinaw ito ni Tolosa makaraang maging paksa ng diskusyon lalo na sa social media ang pagpresenta ng prosekusyon sa impeachment trial ng mga photocopy na dokumento na ayon kay private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan ay maituturing na original.

Paliwanag ni Atty. Tolosa, sa ilalim ng updated rules on evidence ay maikokonsiderang orihinal ang photocopy na dokumento at pwedeng gamiting ebidensya sa korte basta nagkaroon ng “faithful reproduction” at walang isyu sa authenticity nito.

Paalala ni Atty. Tolosa, ang nasabing updated rules on evidence ay hindi applicable sa paggamit ng kailangang original documents sa ating karaniwang pamumuhay.

Facebook Comments