House prosecution panel, tiyak na lalong lalakas sa pagsali nina De Lima at Diokno

Inaasahan ni Manila 2nd District Representative Rolan Valeriano ang lalong paglakas ng House Prosecution panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Valeriano sa harap ng nakatakdang pagsali sa prosecution team nina dating senator at dating Justice Secretary Leila de Lima at Atty. Chel Diokno.

Si De Lima ay uupo sa Kongreso bilang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) Party-list, habang kinatawan naman si Diokno ng Akbayan Party-list, na kasalukuyang nangunguna sa party-list election.

Bunsod nito ay itinuturing ni Valeriano na positive development para sa nakatakdang impeachment trial ang tagumpay sa katatapos na eleksyon ng ML Party-list at Akbayan Party-list.

Facebook Comments