House Speaker Alan Peter Cayetano, hinamon ang mga kontra sa Death Penalty Bill na maghanap ng solusyon sa krimen at droga

Pinayuhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kontra sa pagpasa ng Death Penalty Bill na bumuo ng mga solusyon para masawata ang problema ng ilegal na droga at kriminalidad sa bansa.

Ayon kay Cayetano, isinusulong sa Kamara ang mga panukalang makakapagbigay ng ligtas at komportableng pamumuhay sa mga Pilipino.

Tiniyak ni Cayetano na isasailalim sa full debates ang panukalang capital punishment.


Aniya, hangga’t hindi nareresolba ang droga at krimen ay mananatiling ang mga panukalang buhayin ang Death Penalty.

Noong 17th Congress, aprubado sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 4727 pero hindi ito nakalusot sa Senado.

Facebook Comments