House Speaker Cayetano, handang harapin ang Sea Games Investigation ng Ombudsman

92

Handa si House Speaker Alan Peter Cayetano na harapin ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa mga alegasyon ng korapsyon sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

Sa kanyang Facebook Post, sinabi ni Cayetano na oportunidad ito na matuldukan ang lahat ng mga isyu.


Hiling din ni Cayetano na mag-move forward at ipagdiwang ang tagumpay ng mga atleta at pagkilala sa sakripisyo ng workforce at volunteers.

Dagdag pa niya, buo ang suporta niya sa lahat ng imbestigasyon at nais niya ng full transparency.

Pero nanindigan si Cayetano na siyang Chairperson ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) na walang iregularidad sa pagho-host ng bansa sa Biennial Meet.

Nagbabala rin si Cayetano sa mga nagpapakalat ng fake news at malisyosong kasinungalingan kaugnay sa Sea Games.

Facebook Comments