House Speaker Cayetano, iginiit na totoo ang natanggap na “Best Sea Games Organizer award

97

Nanindigan si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Chairperson, House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi fake news ang natanggap nilang ‘Best Sea Games Organizer’ Award.

Sa Facebook Post, ibinahagi ni Cayetano ang pagtanggap niya ng parangal mula sa Sports Industry Awards Asia.


Pagkilala ito sa matagumpay na pag-organisa ng PHISGOC sa Sea Games.

Ayon kay Cayetano, tunay na award ang iginawad sa kanila.

Huwag na sana silang siraan dahil para naman ito sa lahat ng Pilipino.

Facebook Comments