HOUSE SPEAKER | Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, tila tanggap na ang pagkakatalsik sa kanya

57

Manila, Philippines – Tila natanggap na ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez na pinalitan na siya ni Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker.

Ito ang sinabi ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali matapos silang mag-usap ni Alvarez.

Ayon kay Umali, ikinagulat nila ang nangyaring palitan ng liderato sa Kamara at masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Pero naniniwala aniya si Alvarez na walang magandang maidudulot sa Kamara kung magbabangayan pa sila ni Arroyo.

Sabi naman ni Umali, bubuo na sila ng sariling bloc kahit na alam nilang wala na silang numero.

Mababatid na nakuha ni Arroyo ang botong 184 affirmative at 12 abstain mula sa mga mambabatas para maluklok siyang House Speaker.

Facebook Comments