House Speaker Pantaleon Alvarez, naniniwalang ‘act of terrorism’ ang nangyaring atake sa Resorts World Manila

Manila, Philippines – Naniniwala si house Speaker Pantaleon Alvarez na maituturing na ‘act of terrorism’ ang nangyari sa Resorts World Manila.

Ayon kay Alvarez – nagdulot kasi ito ng takot sa publiko at pagkaalarma sa seguridad.

Iginiit din ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo – na nagkaroon ng kapabayaan sa security sa main entrance ng hotel-casino at maging sa parking entrance nito kung saan pumasok ang suspek na si Jessie Carlos.


Dahil dito, balak magpasa ng batas ang Kamara na mag-aalis ng kapangyarihan sa PAGCOR na magbigay ng prangkisa sa mga casino dahil trabaho dapat ito ng Kongreso.
DZXL558

Facebook Comments