HOUSE-TO-HOUSE DISINFECTION KONTRA COVID-19, ISINASAGAWA NG LGU PARA MA-CONTAIN ANG VIRUS

15

Nagpapatuloy ang isinasagawang pakikipaglaban ng bayan ng Sta. Barbara sa COVID-19 at sa paggawa ng mga pamamaraan upang ma-contain ang virus sa mga lugar na infected at sa katunayan umano ay nagsasagawa na ng disinfection sa mga bahay bahay at barangay.

Sa ganitong sitwasyon umano ay walang tigil ang Bureau of Fire Protection o BFP Sta. Barbara sa pag-disinfect sa mga lugar na apektado ng naturang sakit.


Nagsagawa na din ng masinsinang disinfection sa Brgy. Cablong, Maningding, Minien East at Minien West na nakapagtala ng COVID19 positive.

Maging ang istasyon ng PNP sa Poblacion Norte ay dumaan din sa decontamination procedure upang mapanatiling ligtas at malinis ang tanggapang ng lokal na kapulisan habang nagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Facebook Comments