HOUSING PROJECT NG ADMINISTRASYONG ROSARIO, PUNO UMANO NG KAPALPAKAN; ISSUE NG DISALLOWANCES AT PAGKAKAUTANG NG BINMALEY NOONG PANAHON NI VM ROSARIO MAY BASEHAN AT HINDI GAWA-GAWA

Sinagot ni Binmaley Mayor Pete Merrera punto por punto ang pag-kwestyon ng ni Nagpalangan Barangay Captain Jonas Rosario hinggil sa housing project na di umano napakinabangan ng mga binmalenians. Puno umano ng kapalpakan ang nasabing housing project na naisakatuparan noong nakaraang administrasyon.

 

Ayon kay Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera, kung may dapat sisihin sa kapalpakan ng nasabing proyekto ay ang administrasyon ni Rosario.

 

Aniya pa, tila hirap umano ang kabilang panig na intindihan ang tinutukoy nitong technical description na kalauna’y nilinaw din nito.

 

Giit pa ni Merrera na kaya hindi nito tinuloy ang kailangan muna itong masusi na pag-aralan at alamin ang lahat ng detalye ukol sa proyekto.

 

May mga kahina-hinala kasi umanong mga transaksyon sa konstruksyon nito maging sa pagdidistribute nito.

 

Sa kabilang banda, binigyang diin din ni Merrera na may katotohanan ang mga disallowances at malaking pagkakautang ng nakaraang administrasyon na patuloy na binabayaran umano ng Binmaley LGU. Lahat umano ng mga ito ay dokumentado ng Commission on Audit. Bukod pa dito ang patunay umano ng pagkakaantala ng sahod ni VM Rosario dahil na din sa kautusan ng COA.

 

Sagot naman ni Rosario, normal lang daw umano ang pagkakaroon ng disallowances at sana ay huwag magmalinis si Merrera.

 

Ngayong halalan, magtutunggali ang dalawa sa pagka-alkalde sa bayan ng Binmaley kung saan isinailalim din ang bayan sa ilalim ng yellow areas of concern dahil sa intense rivalry. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments