Housing project para sa mga pulis at sundalo sa Montalban, Rizal – tinangka ring ukopahin ng mga miyembro ng KADAMAY

316
Manila, Philippines – Nilusob din ng ilang mga miyembro ng grupong KADAMAY ang housing projects para sa mga pulis at sundalo sa Brgy.San Rafael, Montalban, Rizal.
 
Ayon kay Supt.Hector Grijal, Chief of Police ng Montalban PNP – pasado alas tres kaninang madaling araw nang dumating at magbarikada ang mga miyembro ng KADAMAY sa La Soledaridad housing projects.
 
Sa kabila nito, bigo ang grupo na ukupahan ang lugar matapos rumesponde ang montalban police kasama ang augmentation force mula sa Pililia, Rizal at region 4A.
 
Nagdulot naman ng takot sa mga residente ang paglusob ng KADAMAY.



Facebook Comments