Huawei products, posibleng i-ban na sa Poland

65

Ikinukunsidera ng Poland ang pag-ban sa paggamit ng Chinese mobile phone company na Huawei.

Ito ay matapos maaresto ang isang Chinese employee ng Huawei at dating polish security official dahil sa alegasyon ng pang-eespiya.

Pinag-aaralan na ng Polish government na higpitan ang mga batas na maglilimita sa paggamit ng mga produktong nagdudulot ng banta sa seguridad.

Ang Huawei ang pinakamalaking producer ng telecom equipment sa mundo na nahaharap sa kontrobersiya matapos akusahan ng Estados Unidos na ginagamit nito ang devices para sa pang-eespiya.

Facebook Comments