HUHULIHIN | MMDA, titiketan na ngayong araw ang mga pasaway na jeepney drivers at UV Express

Manila, Philippines – Titiketan na ng MMDA ang mga pasaway na jeepney drivers at UV Express na nagbaba at nagsasakay pa rin ng pasahero sa Maharlika Street at sa elliptical road.

Ayon kay Bong Nebrija, pinuno ng task force, bagamat bukas pa ang full implementation ng bagong traffic scheme, dapat nang sanayin ngayon ang mga motorista sa mangyayaring adjustment.

Huhulihin na aniya ang jeepney na nagbaba sa gitna ng plastic barrier na dahilan para maglakad sa gitna ng kalsada ang mga pasahero.


Sa ngayon aniya ay one way na o tuloy tuloy na ang mga pribadong sasakyan sa Masaya Street mula Maharlika patungong Commonwealth.

Binuksan na kasi ang Mayaman Street kung saan pakakaliwaan ang mga sasakyan na patungong City hall at Kalayaan.

Facebook Comments