HULI │Magnanakaw, nagtungo sa istasyon ng pulis para kunin ang getaway vehicle

Manila, Philippines – Arestado ang isang tinuturong magnanakaw matapos balikan nito ang naiwang getaway vehicle sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Rico Eligino na nagtungo sa Marikina Police Station para kunin ang nasabing motorsiklo.

Ayon kay Chief Insp. Melanie Redon Station Duty Officer, PNP Marikina alas kwatro ng hapon todo doorbell ang suspek pero dahil sa walang sumasagot sa malaking bahay sa Brgy. Conception Dos dito na umakyat sa bakod ang magnanakaw.


Agad naman nakatawag ng tulong ang may0ari ng bahay na si Mary Jane Reyes. at hinabol ng mga brgy. tanod ang suspek.

Pero nakatakas ito matapos bumunot ng baril, dahil sa takot hindi na sya hinabol ng Brgy Official.

Ilang oras ang lumipas isang abandonading motor ang nakita at itinurn over sa pulis.

Alas-dose ng kagabi isang lalaki ang nagtungo sa istasyon ng pulis at sinabing kanya ang motorsiklo.

Nang buksan ng SOCO ang motor, nakita ang 2 replica ng baril bolt cutter at bareta.

Todo tanggi ang suspek pero positibo syang kinilala ng mga brgy. na humabol sa kanya.

Nahaharap si Eligino sa kasong grave threat at trespassing.

Facebook Comments