HULI | 126 indibiwal, arestado sa ikinasang anti-criminality operations ng Parañaque City

ParaƱaque City – Nasa 126 na indibidwal ang naaresto sa ikinasang anti-criminality operations ng ParaƱaque City Police sa buong magdamag.

Karamihan sa mga naaresto ay mga nahuling nag-iinom sa kalsada, nagsusugal, walang damit pang-itaas, mga menor de edad na lumabag sa curfew hour at may mga standing warrant.

Pero ayon kay Police C/ Insp. Arnold Acosta ā€“ mas kakaunti ang naaresto nila ngayon kumpara sa mga nauna nilang operasyon.


Ibig sabihin, epektibo ang isinasagawa nilang anti-criminality operations at nadadala nang makulong at magmulta ang mga pasaway sa lungsod.

Samantala, 17 motorsiklo rin ang nakumpiska dahil naman sa kakulangan ng dokumento.

Alas 10:00 kagabi nang simulang suyurin ng mga otoridad ang labing-anim na barangay sa lungsod.

Facebook Comments