HULI | 15-anyos na dalagita, arestado matapos magnakaw sa isang supermarket

34

Quezon City – Arestado ang 15-taong gulang na babae ito ay matapos magtangkang mag puslit ng mga groceries items sa Land Mark Supermarket EDSA sakop ng Brgy. Bagong Pagasa Quezon City.

Ayon kay Psupt. Carlito Mantala nagpanggap na parokyano ang bata at kasabwat nito ng pumasok sa pamilihan.

Hanggang sa isa-isa na nilang sinilid ang mga mamahaling groceries at hindi nagbayad sa kahera.

Lumabas na una palang duda na ang ilang empleyado sa kilos ng mga suspek kayat naaktuhan pa ng guwardiya ang pagnanakaw ng dalagita.

Aabot sa higit 50K piso ang nabawing groceries items na ninakaw ng suspek.

Samantala nakatakas naman ang kasabwat nito.
Nasa QCPD station-2 na ang dalagita at itu-turn over sa DSWD dahil ito ay menor de edad.

Facebook Comments