HULI! | 2 babaeng wanted, timbog sa Valenzuela City

Valenzuela City – Timbog ang dalawang katao sa magkakahiwalay na operasyon sa Valenzuela City.

Unang naaresto ang isang Richelda Dialoja, sa Antonio Subdivision, Fernando Street, Malanday kung saan nahaharap ito sa kasong slight physical injuries.

Samantala, arestado rin ang isang Ligaya Ramos sa Rosario Street, Barangay Mapulang Lupa dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.


Nakatakdang dalhin sa korte sina Dialoja at Ramos para harapin ang kasong kriminal laban sa kanila.

Facebook Comments