HULI | 2 tulak ng iligal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Caloocan

15

Caloocan City – Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Maypajo, Caloocan City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Arnel Buccat, 18-anyos at Ruel Cangmaong, 24-anyos.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagbebenta umano ng mga suspek ng iligal na droga kaya agad nilang ikinasa ang operasyon laban sa mga ito.

Nang iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng P300 marked money ay agad silang kinorner at pinosasan ng mga otoridad.

Narekober sa kanila ang pitong pang plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Facebook Comments