HULI | 3 drug suspek, arestado sa Sampaloc, Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong drug suspek matapos isumbong ng concerned citizen sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Jose Melvin Garcera, Erwin Soriano at Ferdinand Vandelaria.

Ayon sa MPD Station 4, agad silang tumugon sa tawag ng isang concerned citizen na may nagaganap na shabu session sa Paltok Street kung saan naaktuhan nila ang mga suspek na gumagamit ng bawal na gamot.


Tatlong pakete ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek na aminadong gumagamit ng iligal na droga pero mariin itinanggi na sila ay nagbebenta nito.

Facebook Comments