HULI | 3 miyembro ng Parojinog Drug Group, nasakote sa checkpoint sa La Union

115

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong miyembro ng Parojinog Drug Group sa isang checkpoint sa La Union.

Tumanggi munang pangalanan ng San Fernando City Police ang mga akusado na kapwa taga-Ozamiz.

Nabatid na may warrant of arrest ang tatlo dahil sa kasong may kinalaman sa paggamit sa iligal na droga.

Kabilang din sila sa mga high value target na nasa drug list ng mga otoridad.

Agad namang isinailalim ang tatlo sa interogasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Facebook Comments