HULI | 70, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng MPD

38

Manila, Philippines – Nasa 70 katao ang dinampot ng Manila Police District sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Manila.

Ayon kay P/Supt Erwin Margarejo, Tagapagsalita ng MPD tuloy – tuloy ang operation oplan galugad ng 11 police station sa kanilang mga nasasakupan upang labanan ang krimen.

Nasa 13 katao ang inaresto sa paggamit ng illegal na droga, 26 ang illegal gambling, 2 ang may kasong robbery at theft, 25 naman ang lumabag sa city ordinance at apat na iba pa.

Nasa 15 plastic sachet na may hinalang shabu isang plastic na pinatuyong marijuana at 4,384 pesos na pantaya sa sugal.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa mga naarestong suspect.

Facebook Comments