HULI | 8, arestado sa small scale mining sa Isabela

Cordon, Isabela – Arestado ang walong tao dahil sa small scale mining sa Cordon, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ricky Dela Cruz, Mario Dinamling, Fidel Pagala, Octavio Agramos, Valiant Viernes, Gerald Dug-A, Jonathan Tubayas at Rudy Agustin.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na small scale mining sa isang barangay sa nabanggit na bayan.


Agad na rumesponde ang mga otoridad kung saan huli sa akto ang mga suspek sa kanilang pagmimina subalit wala silang maipakitang permit.

Facebook Comments