HULI | Apat na drug suspek, arestado sa buy bust operation sa Indanan Sulu

42

*Sulu – Naaresto sa isinagawang buy bust operation ng Pulisya at PDEA ang apat na drug suspek sa Sitio Laum Kajatan Indanan Sulu.*

*Kinilala ang mga ito na sina Bennajar Amil, 39 anyos residente ng Brgy. Langpas; Ethar Taratingan, 35 anyos; Al-nibar Annil 25 anyos residente ng Sitio Boutan, Indanan, Sulu at Nasser Ijerail, 25 anyos residente ng Brgy. Kajatian, Indanan Sulu. *

*Sa ikinasang operasyon nakuha sa mga suspek ang apat na piraso ng blue small heat sealed plastic straws at isang piraso ng maliit na transparent heat sealed na naglalaman ng hinihinalang shabu.*

*Nakuha rin sa mga ito ang marked money, iba pang drug paraphernalia at isang kalibre 45 baril na may isang pirasong magazine at may pitong ammunition.*

*Sinabi naman ni PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt Graciano Mijares na ang mga suspek ay patuloy na iniimbestigahan habang nasa kustodiya ng PDEA kasama ang mga nakuhang ebidensya na makakatulong sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.*

Facebook Comments