HULI | Babaeng travel agent na tumangay ng pera ng kaniyang kliyente, arestado

75

Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang isang babaeng travel agent nang madakip ito ng mga pulis matapos itakbo ang pera ng kanyang kliyente.

Nakilala ang suspek na si Arlene Calbonero, na tinangay ang aabot sa P250,000 na pera ng biktimang si Ma. Rizalina Hombe.

Modus ni Calbonero na magpanggap na nag-book na siya ng plane ticket para sa kanyang mga kliyente pero kapag malapit na o sa mismong araw na ng flight ng mga ito ay malalaman na hindi pa pala bayad ang kanilang plane ticket.

Nasakote ang suspek sa entrapment operation matapos nitong muling manghingi ng karagdagang P120,000 mula sa biktima.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek kung daan nananawagan ang Quezon City Police District (QCPD) sa iba pang tao na nabiktima nito.

Facebook Comments