HULI | Criminology student, arestado matapos na mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa La Union

14

La Union – Kalaboso ang isang criminology student matapos na mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Lomboy. Sto. Tomas, La Union.

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Salazar, 19-anyos, fourth year college student.

Sa ulat, nakumpiska mula sa suspek ang walong sachet ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation.

Inaalam naman na kung kasabwat ang suspek sa naunang dalawang criminology student na naaresto na sina Prince Oscar Javier, 20-anyos na fourth year college at Rafael Paneda, 19-anyos na third year college student.

Facebook Comments