HULI | Dalawang x-ray operators, arestado matapos na kupitan ang isang Japanese national

269

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang x-ray operators sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na kupitan ng 1,000 Australian dollars o katumbas ng P40,000 ang isang Japanese national sa gitna ng inspeksyon.

Sinampahan na ng kasong pagnanakaw ang mga suspek na sina Stephen Bartolo at Demmie James Timtim, kapwa tauhan ng Office of the Transportation Security.

Reklamo ni Yuka Sakata, nagkulang ang dala niyang pera matapos na dumaan sa screening area sa NAIA terminal 3.

Nang tingnan ang CCTV footage, doon nakita ang ginawang pagnanakaw ni Bartolo sa wallet ng dayuhan kung saan kalahati nito ay iniabot pa kay Timtim.

Patungo sana sa Cebu si Sakata na bumaba sa NAIA para sa kaniyang connecting flight mula sa Australia.

Facebook Comments