HULI! | Dating kapitan sa Quezon, arestado dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong baril

14

Quezon Province – Arestado ang isang dating kapitan ng Barangay Villa Hiwasayan sa Guinayangan, Quezon Province matapos mahulihan ng mga hindi lisensyadong armas at mga bala.

Kinilala ang dating kapitan na si Cornelio Quina, 68-anyos.

Ayon kay Quezon Police Director Senior Superintendent Osmundo De Guzman, mismong ang mga residente rin sa lugar ang nag-tip sa mga pulis hinggil sa iligal na armas ni Quina.

Nakumpiska sa kanya ang isang baril, dalawang magazine at siyam na mga bala.

Nakakulong na si Quina sa Guinayangan Police Jail at nakatakdang paharapin sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Facebook Comments