HULI | Isang babae, arestado matapos ipatubos ang tinangay na sasakyan sa mismong may-ari

Cavite – Arestado ang isang babae matapos nitong ipatubos ang tinangay na sasakyan sa mismong may-ari nito sa Cavite.

Ikinasa ng Cavite PNP-Highway Patrol Group ang entrapment operation laban sa suspek na si Rosalie Magalit kasama ang isang lalaking kasabawat nito kung saan nang kunin nito ang pera ay saka ito dinakip ng mga otoridad.

Kwento ng biktima na si Jonald Delfin, inarkila ng isang Cristina Pulido at Lorena Delgado ang kaniyang AUV pero hindi na ito ibinalik sa kaniya at nalaman na lamang na hawak na ito ng suspek na si magalit.


Bukod kay Delfin, lumutang din ang isa pang nabiktima ni magalit na si Cyrine Vivero na hiniram din nito ang sasakyan pero nagulat sila ng isangla ito ng suspek.

Nanawagan naman ngayon si S/INSP. Arthur Cortez, provincial Chief ng CAVITE-HPG sa iba pang nabiktima ni magalit na makipag-ugnayan sa kanila upang madagdagan ang kinakaharap nitong kaso.

Facebook Comments