HULI | Isang Fil-Pakistani, arestado ng NBI matapos na ipakalat ang mga hubad na larawan ng dati nitong kasintahan

Manila, Philippines – Arestado ang isang Filipino-Pakistan matapos na ireklamo nang paglabag sa anti-cyber-crime law sa Timog Avenue, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Abdul Razaq bukhari na nadakip sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation.
Mismong ang dating girlfriend ng suspek ang nagpatulong sa NBI dahil ipinakalat nito sa ilang kaibigan at bagong boyfriend ang kanyang mga hubad na larawan.
Nabatid na nakipaghiwalay ang biktima sa suspek matapos na malaman na may asawa na pala ito pero nagbanta ito na ipapakalat sa internet ang mga nude pictures kapag hindi siya sumama sa kaniya.
Dahil dito, lumapit siya sa NBI at agad na ikinasa ang operasyon kung saan naaresto ang suspek malapit sa isang bar sa Timog.

Facebook Comments