HULI | Isang gitarista na nanghalay ng isang menor de edad, arestado sa Sta. Rosa, Laguna

40

Laguna – Arestado ang isang gitarista matapos na manghalay ng isang menor de edad sa loob ng anim na taon sa Sta. Rosa, Laguna.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Jerome Rico na nakorner ng mga pulis sa isang condominium unit.

Positibong itinuro ng biktima ang suspek kung saan labing saing taong gulang pa lamang daw siya ng siya ay gahasain ng suspek sa tuwing natutulog siya sa bahay ng kanyang pinsan na naging asawa nito.

Nagkaroon sila ng anak at kinupkop naman ni Rico ang bata pero hindi na siya pinayagan makita ito kaya at nagpasya na siyang humingi ng saklolo mula sa pulisya.

Mariin namang itinanggi ni Rico ang mga paratang sa kanya at giit niya na wala siyang kapasidad para magkaroon ng anak.

Facebook Comments