HULI | Lalaki, arestado matapos mahulihan ng baril at iligal na droga sa Taguig

52

Taguig City – Arestado ang isang lalaking ito matapos mahulihan ng iligal na droga at baril sa Roldan, New Bicutan, Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Christian Gadinga residente ng Parañaque City.

Ayon kay PSI Jonathan Arrib ng PCP 2 ng Maharlika, nag-sagawa sila ng Oplan Sita sa Roldan St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig ng ma-spot-an ang suspek.

Nakuha sa pag-iingat ni Gadinga ang isang kalibre 45 nabaril na may 6 na bala at 4 pakete ng hinihinalang shabu.

Bukod sa kasong Illegal Possession of Fire Arms and Ammunition sasampahan din siya ng kasong pag labag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments