HULI | Lalaki, arestado matapos makuhanan ng ilegal na droga sa LRT line 2 sa Maynila

37

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga sa LRT line 2 Recto Station, lunsod ng Maynila.

Sa ulat, papasok ng istasyon ang 25-anyos na suspek nang kapkapan ng security guard on-duty bilang bahagi ng standard operating procedure.

Dito na nakumpiska ng guard ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa kaliwang bulsa ng dalang jacket ng suspek.

Mariin namang itinanggi ng suspek na sa kanya ang ilegal na droga.

Facebook Comments