HULI | Lalaking nagpakilalang pulis, arestado sa checkpoint sa Pasay City

Pasay City – Kalaboso ang isang lalaki na nagpakilalang pulis sa isang checkpoint sa NAIA road sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Felix Verona, 35 anyos at isang tricycle driver.

Sa ulat, sinita ang suspek habang sakay ng motorsiklo na walang suot na helmet kung saan nakasuot pa ito ng uniporme at nagpakilalang pulis.


Nag-duda naman ang mga otoridad lalo na at peke ang ipinakita nitong ID at nakuhanan pa ng isang kutsilyo.

Nang dalhin sa presinto ay umamin na ang suspek na hindi siya totoong pulis at sinabi nito na pangarap niyang maging isang alagad ng batas kaya siya nagpapagawa ng uniform at ID nito.

Facebook Comments